Tungkol sa Akin

Aking larawan
"If opportunities doesn't knock make a door." -- As you enter, you will see all my articles and literary pieces, both english and filipino. These write-ups tend to inform, inspire and even motivate the readers. I hope you enjoy my BLOG SITE. GLORY BE UNTO GOD! :)

Damhin Mo

By: Aaron Dy

Ibigay mo at ipagkatiwala mo
Sa mga taong sa tingin mo’y totoo.
Ipagdagitan mo at ikawala mo,
Sa mga pusong sa tingin mo’y laan sayo.

Sisikat ang araw para sa puso mo,
Bibigyang saysay at buhay ang isip mo.
Hintayi’t huwag madaliin ang hangin mo,
At baka iba ang makasadlakan mo.

Ang tunay na pag-ibig ay walang wakas,
Ikaw ang tanging bubuo at tututklas.
Tatagal! Kapag ito’y totoo’t wagas,
Kusang mag-iisa’t ‘di magpupumiglas.

Ang pag-ibig ay parang hanging malakas,
Pana-panahon kapag ito’y humampas,
Ngunit dala nito’y kakaibang kumpas.
Buhat ay kabanatang walang katumbas.
Kapag ang hangin ay iyong naramdaman,
Kunin mo ito at ‘wag ng pakawalan
Magpakatotoo ka at magpakadangal,
Upang ‘di maglaho at ito’y magtagal.






6 (na) komento: