Tungkol sa Akin

Aking larawan
"If opportunities doesn't knock make a door." -- As you enter, you will see all my articles and literary pieces, both english and filipino. These write-ups tend to inform, inspire and even motivate the readers. I hope you enjoy my BLOG SITE. GLORY BE UNTO GOD! :)

Kilala mo ba si Juana?

Ni: Aaron Dy

Matatag….
Masipag…..
Matapang….

Sabado ng gabi noon, nang mapanoood ko sa isang TV Show ang kwento ng isang Overseas Filipino Worker o OFW. Isang TV Show na nagtatampok ng mga true to life stories ng iba’t- ibang mga tao, kilala man ito o hindi. Sa pagkakataong iyon ay patungkol ang kwento sa isang Filipina OFW na tulad din ng mga kapwa niya OFW ay naglalayung makapagtrabaho sa ibang bansa upang maiahon at matulungan ang kani-kanilang mga pamilya sa kahirapan. Isa siyang OFW na maituturing na bayani dahil sa kanyang ipinaglaban hindi para sa kanyang sarili bagkus pati na rin sa mga kapwa niya mga manggagawa.

Inakala ko noon na common story ang itatampok sa TV Show na iyon. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay makikilala ko pala ang isang bayani, si Juana.

Kilala mo ba si Juana?

Nakilala ko sa TV Show na iyon si Juana Tejada bilang isang Caregiver sa Canada. Taong 2003 nang dumating siya sa Canada. Nakapagtapos siya ng kursong edukasyon sa Abra School of Arts and Trade. Pero sa halip na magturo, pinili niyang mangibang-bansa para mapag-aral ang apat na kapatid at matulungan ang mga magulang.

Halos walong taon siyang nag-alaga ng bata sa Hong Kong bago mag-aplay sa Live-In Caregiver Program (LICP) sa Canada. Ayon sa palabas, kinuha siya ng mga among Canadian dahil sa kanyang pagiging “eksperto sa bata.”

Taong 2006, binigyan si Juana ng work permit ng Citizenship and Immigration Canada (CIC) at dito ipinaalam sa kaniya na maaari na siyang maging permanenteng residente. Ayon sa LICP, kapag maninirahan at magsisilbi ang isang caregiver sa iisang amo ng 2 taon o 24 na buwan sa loob ng tatlong taon, maaari na siyang gawing permanenteng residente ng Canada. Pero bago ang lahat ay kailangan munang mapatunayan ng mga caregiver na maganda ang kanilang kalusugan. Bilang isa sa mga rekitiso, kailangan muna niyang makaapasa sa isang medical examination.

Sa kasamaang palad, lumabas sa eksamen na may kanser sa kolon, Stage 4, si Juana. Hindi nito namamalayang kumalat na pala ang kanser sa kanyang katawan. Dahil dito, tinanggihan ng CIC ang aplikasyon ni Juana na maging permanenteng residente.

Umapela si Juana pero tinanggihan ito. Sa kanyang pangalawang apela (na muling tinanggihan), binanggit ng CIC ang Section 38 (1) ng Immigration and Refugee Protection Act o IRPA na kung saan ay naglalaman ito ng panikalang, maaaring tanggihan ang aplikasyon ng isang migrante kung ang kanyang kondisyong medikal ay maaasahang magdudulot ng labis na pangangailangan mula sa serbisyong pangkalusugan o sosyal. Ipinakita ng kaso ni Juana na sa ilalim ng batas, kapag nadapuan ng sakit ang isang migranteng caregiver sa panahon ng pagtatrabaho, pabigat na ang turing sa kanya. Maaari siyang pagkaitan ng serbisyong sosyal, paninirahan, at sipain mula sa Canada.

Sa pakikipaglaban niya ay naisiwalat ang isang depekto ng LICP. Sa halip na gumastos ng tinatayang $15,000 kada taon para sa institusyunal na pag-aalaga ng matatanda at bata, kumukuha na lamang ang maraming Canadian ng mga live-in caregiver, at ayon pa rito ay may 96% na Pilipino ang kabilang.

Dahil kailangan muna ang manirahan at magsilbi sa iisang amo para mabigyan ng work permit at permanenteng paninirahan, prone sila sa iba’t ibang tipo ng pang-aabuso. Mailigtas lamang ang kanilang status ng aplikasyon ay tinitiis na lamang nila ang mga ito.

Gayunpaman, nahihirapan ang maraming Pilipino na matugunan ang mga rekisitos.
Maabot man nila ang dalawang taon ng pagtatrabaho ay alanganin o hindi pa rin tiyak ang kanilang pagkamit ng permanent residence. Katulad na lamang sa kaso ni Juana, na dinapuan ng sakit at itinuring na pabigat. Sa ilalim kasi ng batas, kapag nadapuan ng sakit ang isang migranteng caregiver sa panahon ng pagtatrabaho ay pagkakaitan siya ng serbisyong sosyal, paninirahan, at sipain mula sa Canada.

Sa patuloy na paghina ng katawan ni Juana ay unti- unti ring lumakas ang determinasyon niyang lumaban. Walang humpay niyang ipinaglaban ang kanyang pangarap kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Canada.
Sa kasamaang palad, sa kabila ng pakikibaka ni Juana, noong Marso 8 ay binawian siya ng buhay.

Halos dalawang taon na rin ang nakalilipas nang siya ay mamatay ngunit nagbigay daan ang kanyang paghihirap sa isang napakalaking pangarap. Ang pagbabago na kanilang matagal na nilang minimithi.
sa wakas, noong Hulyo 18, 2008, bumigay ang CIC. Ginawang permanenteng residente si Juana. Bukod pa rito, nagkaroon ng pagbabago sa IRPA. Isa lsa mga pagbabago ay ang pagtanggal ng good health requirement sa LICP, isang panawagan na inspirado ng laban ni Juana.

Sa wakas ay naging matagumpay ang pakikibaka ni Juana sa Canada.

Sa isang nmakabuluhang palabas na ito ay nabuksan ang isip ng isang tulad ko ang kahalagahan ng mga OFW sa ating bansa. Bukod pa rito ay naging inspirasyon ko si Juana upang maging matatag sa lahat ng mga pagsubok sa aking buhay. Tunay nga siyang bayani. Ang laban niya sa kanyang matinding sakit ay parte lamang ng mas malaking laban sa sakit na lumalamon sa lipunang Pilipino. Ang mga sakit tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho at kawalan ng lupa sa sariling bansa. Ito ang dahilan kung bakit nangailangang tumulak sa ibang bansa si Juana at iwanan ang Pilipinas.

Isa lamang siya sa mga libo-libong manggagawang Pilipino na biktima ng walang humpay na pagpapasakit at pang-aabuso sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nawa’y magsilbing aral ito para sa ating mga mag-aaral, mga magulang, mga trabahador, mga pulitiko at para sa buong Pilipinas.

Si Juana ay tunay na tumatak sa aking puso at isip. Hinding- hindi ko malilimutan ang kanyang katapangan, pagpupursige at katatagan sa kabila ng lahat-lahat ng mabibigat na pagsubok niya sa buhay.

Ikaw, kilala mo ba si Juana?

7 komento:

  1. May nakikita akong bahagyang bahid ng diskriminasyon sa kaso ni Juana. Nagiging pabigat pala ang isang taong nagpapakasakit alang-alang sa ikabubuhay? Paano yaong mga tinatawag na "bummers" o manlilimos? Hindi yata't sila ang dapat na ituring na pabigat.

    TumugonBurahin
  2. mabuti na lamang at nagbunga ang pakikipagbaka niya...

    TumugonBurahin
  3. Ndi ko kilala ang juanang iyan. Ang tanging juana na kilala ko ay si juana change aka mae paner. -wala lang

    TumugonBurahin
  4. ang galing nmn ng post.. nakaka inspire!

    TumugonBurahin
  5. tama kayo. nakaka-inspire talaga. dahil sa kanaya ay naaprobahan ang isang batas na nagbigay karapatan sa lahat ng mga OFW sa Canada. i wrote this feature article para kahit papano ay maipaalam ko sa iba at makatulong ako sa pagbabahagi ng isang napakagandang istorya na ito. Magbigay pugay tayo kay JUana Tejada!.:D

    TumugonBurahin